Mabuti Nga!  (Stupid Criminal Jokes) by Katig.Com
Ang mga sumusunod na pinoy jokes diumano ay tunay na nangyari. Ang mga pangalan
at lugar ay aming binago upang ilayo sa kahihiyan ang mga nasasangkot dahil sa
kanilang kapalpakan.


Senior citizen
Isang mag-asawang matanda na ang tinanglang nakawan ng dalawang lalaki na nanloob
sa kanilang bahay.  Tinutukan ng patalim ng isa sa dalawa ang matandang lalaki, 80,
habang naghahanap ng mananakaw ang kasama. Nagkunyaring hinimatay ang asawang
babae na saglit na ikinagitla ng dalawa. Agad na tumakbo ang asawang lalaki at
kinuha ang kanyang baril. Nang makita na armado na ang matanda ay agad  tumakas
ang dalawa na walang anumang natangay.


Guilty!
Umpisa pa lang ng paglilitiis sa kasong robbery ay tila tagilid na sa laban ang
suspek. Sa unang araw ng paglilitis ay tinanong ng abogado ang biktima: "Maituturo
mo ba sa hukumang ito ang lalaking nangholdap sa iyo?" Biglang nagtaas ng kamay ang
suspek at sumigaw: "I'm here, your honor!"


Deposit slip
Isang lalaki ang nanghold-up ng banko at agad namang nahuli. Ayon sa report,
nagkunwaring customer ang holdaper at nagmatyag muna bago isinagawa ang
panghoholdap. Nakilala ang holdaper dahil sa naiwang deposit slip na kung saan
isinulat niya ang tunay na pangalan at address habang naghihintay ng tiempong
makapagholdap.


Go to next page of stupid criminal jokes


Kung meron kayong mga nakakaintrigang stupid criminal jokes, o pinoy jokes,
i-email sa amin sa
admin@katig.com.
More funny Pinoy jokes here:
Buhay Estudyante Jokes
Mga Patawang Pinoy at Pinay
Rap & Rex Pinoy Jokes
Sari-saring Pinoy Dyoks
Balitang Barbero at Patawang Kutsero
Mabuti Nga (Stupid criminal jokes)
KATIG.COM




Sections

Charities
Colleges
Dictionary
Education
Government
History
Philippine News
Phone Directory
Schools
Travel
Universities
Weather




Filipino Corner

Alamat
Balita
Bugtong
Idioms
Kasabihan
Kawikaan
Pabula
Palaisipan
Pinoy Jokes



Email Us