Tinig ng Bayan
Tinig ng Middle Class na Pinoy


Ako'y isang pinoy. Empleyado sa pribadong kumpanya. May asawa at 2 anak . Nasa
middle class, sabi nila. Trabaho ako 9-5, then uwi sa pamilya. Tapos maghapunan
itututor si panganay at lalaruin si bunso, tapos tulog na. Minsan, iinum ng kunti kasama
ang ilang katrabaho. Pagwala ng pera hintay na lang susunod na sweldo.

Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat ng sector ng ating lipunan ay maingay at
naririnig. Maliban sa ating nasa middle-class- tayong mga tax paying at productive na
mamamayan. Tinig natin ang di naririnig subalit, buwis natin ang nagpapatakbo sa
bansang ito. Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya heto ang liham
ko sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na pag-iisip:

Sa mga pulitiko:

Diyos ko naman, sa dami ng nakurakot nyo di ba kayo makuntento?  Kailangan nyo pa
bang manggulo? Kayong mga nag-aambisyong maging presidente, wala pa man kayo sa
pwesto nag-aastang presidente na rin kayo. At kayong mga dating presidente nagkarun
na kayo ng pagkakataong magsilbi sa bayan. Tapos na ang panahon nyo, hayaan ninyong
ang iba naman ang sumubok magsilbi sa bayan. Huwag na kayong makisawsaw.

Sa administrasyon:

Ayan, pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon, pruweba nito e di kami
pagsama sa mga panawagan ng people power, kaya sana naman gantihan nyo kami ng
magandang serbisyo at magaling na pamumuno at malaking bawas sa kurakot naman
please para kahit papano maramdaman naman namin na may napupuntahan ang
binabayad naming buwis.

Saka Madam GMA, step down ka na pagparliamentary na tayo, tignan mo, i-announce mo
mag-step down ka kapag parliamentary na tayo, resounding YES yan sa plebiscite at tigil pa
ang mga kudeta at people power laban sayo. Try mo lang.

Sa Oposisyon:

Di nyo ba nakikita, 2 grupo lang ang nakikinig sa inyo? Isang grupo yung ilang bayaran na
mahihirap na sumasama lang dahil kailangan ang kunting pera pambili ng pagkain.
Pangalawang grupo yung ilang excited at tangang reporters na parang mga praning sa
pagrereport na wala namang katuturan ang pinagsasabi.

Bago kayo maglunsad ng kilos protesta ay pumili muna kayo ng nararapat na ipapalit sa
liderato ngayon. Hirap sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayong ipapalit na
magaling. Magpakita muna kayo ng galing bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na
kaming narinig sa inyo kundi reklamo, e wala rin naman kayong ginagawa kundi ang
magreklamo.

Gusto nyo magpeople's power rin kami, e halatang-halata naman kayo. Nung kami ang
magpeople's power, bulaklak at rosaryo ang dala namin dahil bayan natin ang aming
ipinaglaban. Kayo, ang dala nyo placards at streamers ng grupo nyo dahil pansarili lang
ang inyong ipinaglalaban.

Kung yun bang ibinabayad nyo sa mga rallyista ay itinatayo nyo ng malinis na negosyo e
talagang makakatulong kayo sa mahihirap at magiging productive silang  mamamayan.
Wala naman mangyayari sa mga rally nyo, nakakatraffic lang, kami pang middle-class
ang napeperwisyo.

Sa military:

Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 4,000 plus na patay sa
kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo ba sila nagreklamo? Wala
diba kasi professional sila na sundalo.....yan dapat ang sundalo di nagtatanong
sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di kayang maintindihan ng indibidwal lamang,
at ang mga nakatataas lang ang nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng
lahat ng military ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo.
Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great responsibility".....kaya maging
spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami
kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke, kami wala.

Sa religious leaders na gustong pasukin ang pulitika:

Kung meron kayong prinsipyo, alam ninyo ang prinsipyo ng "separation of church and
state." Dios mio, magdesisyon kayo kung gusto nyong maging alagad ng simbahan, o
alagad ng pamahalaan. Huwag kayong swapang dahil you cannot serve two masters.
Kung talagang malakas ang hatak nyo sa inyong mga kapanalig turuan nyo sila na huwag
ng magbinta ng boto at suportahan lang ang mga lider na gagawa ng mabuti para sa
bayan.

Wala ako mensahe sa ilang mahihirap at maiingay nating kapwa Pinoy. Di naman sila
kusang maingay. May bayad ang ingay nila. May bonus pang kasama pagnakita ang
mukha nila sa TV o diaryo. Mas kailangan nila ang pera keysa sa ating middle class. Kaya
unawain na lang natin sila. Isa pa, wala naman silang email o internet kaya di rin nila
mababasa kung may mensahe man ako ako sa kanila.

Paano naman tayong middle-class? Eto hanggang email at internet lang tayo kaya ikalat
nyo ang mensahe na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa at sana
ay makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.


Gumagalang,
Isang Middle-Class na Pinoy
Tinig ng Bayan

Hinagpis ni Juan de la Cruz
Tinig ng middle class na Pinoy
Barangay EDSA
Why we don't trust politicians
KATIG.COM




Sections

Charities
Colleges
Dictionary
Education
Government
History
Philippine News
Phone Directory
Schools
Travel
Universities
Weather




Filipino Corner

Alamat
Balita
Bugtong
Idioms
Kasabihan
Kawikaan
Pabula
Palaisipan
Pinoy Jokes



Email Us