Pinoy Jokes at Pinay Dyoks
-  Binabalaan kita, malapit nang dumating ang Daddy ko!
-  Ha, e wala naman akong ginawang masama ah?
-  Oo nga, kaya kung may binabalak ka gawin mo na.


-  Hon, anung ulam natin?
-  Andyan sa mesa, pumili ka.
-  Hon, sardinas lang ang andito. Anu bang pagpipilian ko?
-  Pumili ka kung kakain, o magrereklamo ka! (ngeek!)


-  Oy, pwede raw magsama ng asawa sa company picnic natin.
-  Wala ka namang asawa ah?
-  E, di isasama ko yung asawa ng kumpare ko.


In one war-torn country the tradition was for women (with their heads
bowed) to walk behind their men. Things have changed in keeping with the
times. Now men (with their heads bowed) walk behind their women.
Progress? No, not progress. Landmines!


-  Suki, bili na kayo ng pakwan. Mapula at matamis.
(Nabitiwan ng tindera ang isang pakwan, bumagsak sa semento at nabiyak.)
-  Sabi mo mapula. Maputla naman pala ang pakwan na tinda mo.
-  Aba, kayo man ang bumagsak sa semento, mamumutla rin kayo!


-  Nang girlfriend ko pa lang ang misis ko ang tawag ko sa kanya ay
Darna dahil seksi sya. Ngayon ang tawag ko sa kanya ay Dorna.
-  Bakit Dorna?
-  Kasing lapad na sya ng DOOR NAmin.


-  (nagbabasa ng diaryo) Ayon dito sa survey, ang lalaking may
asawa ay mas mahaba ang buhay keysa lalaking walang asawa.
-  Kaya pasalamat ka at napangasawa mo ako.
-  Kaya dapat humanap ako ng isa pang asawa para mas humaba ang buhay ko!


Talamak ang dukutan sa dyip.
-   Misis, pakiisud-isud lang para naman makaupo ang ibang pasahero.
Bakit naman kase nag-iisa lang kayo sa upuan e nakapamaywang kayo?
-   Anung nakapamaywang... Ha, naykupo, nadukot ang 2 pakwan na bitbit ko!


-  Hon, may malaki akong problema...
-  Ngayong kasal na tayo, ang problema mo ay problema na natin.
-  Ganun ba yun?
-  Oo, dahil iisa na tayo ngayon. Ano bang problema natin?
-  Kase nabuntis natin si Inday at tayo ang ama. (ngeek!)


-  Baka magbunga ang pagkakasala natin, Padre. Natatakot ako...
-  Ipaubaya natin ang lahat sa nasa itaas. Di nya tayo pababayaan.
-  Hoy, huwag nyo akong idamay dyan at naglilinis lang ako ng kampana
dito sa itaas!

Go to next page of Pinoy jokes and Pinay dyoks...
GF
BF
GF


Mister
Misis
Mister
Misis


Rico
Jhun
Rico








Tindera

Mister
Tindera


Tikbo

Ambo
Tikbo


Mister

Misis
Mister



Driver

Misis


Mister
Misis
Mister
Misis
Mister


Babae
Padre
Sakristan
Mga Tagalog dyoks, Filipino jokes, at iba pang mga patawa ...
More funny Pinoy jokes here:
Buhay Estudyante Jokes
Mga Patawang Pinoy at Pinay
Rap & Rex Pinoy Jokes
Sari-saring Pinoy Dyoks
Balitang Barbero at Patawang Kutsero
Mabuti Nga (Stupid criminal jokes)
KATIG.COM




Sections

Charities
Colleges
Dictionary
Education
Government
History
Philippine News
Phone Directory
Schools
Travel
Universities
Weather




Filipino Corner

Alamat
Balita
Bugtong
Idioms
Kasabihan
Kawikaan
Pabula
Palaisipan
Pinoy Jokes



Email Us