Rap & Rex Pinoy Jokes
Pinoy Jokes, Pilipino Dyoks at Mga Biro-biruan
Handa na ba kayo sa ating Pinoy jokes at mga patawa?


Rap  -   Inday bat di mo pa dinidiligan yung mga halaman natin sa labas?
Day -   Sir, umuulan po.
Rap  -   Sus, magkapote ka. Ang tamad mo!


Rap  -   Akyatin mo nga kung hinog na yung atis?
Rex  -   (Umakyat sa puno at pinisil ang bunga) Oo, hinog na!
Rap  -   Sige bumaba ka na at susungkitin ko!


Loy  -   Di ka pa natutulog, hatinggabi na nagbabasa ka pa ng libro.
Rap  -   Sabi kase ni Doc, may blood test ako bukas.


Loy  -   Yung Pajero natin kinakarnap. Dali, habulin mo yung karnapers!
     (Makaraan ang ilang saglit ay bumalik sa Rap.)
Loy  -   Ano, inabutan mo ba yung karnapers?
Rap  -  Hindi pero wag kang mag-alala, nakuha ko yung plate number ng
     Pajero na sinasakyan nila!


Pauwi sa Pinas sakay ng 737 at katatapos lang manuod ng inflight movie:
Rex  -  Pwede raw nating iuwi yung headphones na ginamit natin kanina,
      sabi ng stewardess.
Rap  -   Aanhin natin yung headphones, wala naman tayong 737 sa bahay?


Rex  -   Ano ba at kanina ka pa talon ng talon dyan?
Rap  -   Nakalimutan ko kaseng ishake yung bote ng gamot na ininum ko.


Rex  -   Para kanino yang isinusulat mo?
Rap  -   Para sa pamangkin ko.
Rex  -   E, bat ang bagal mong magsulat?
Rap  -   Kase mabagal pa siyang magbasa.


Rex  -  O, binigyan daw ni GMA ng amnesia yung ilang miembro ng Magdalo.
Rap  -   Amnesty yun, hindi amnesia, tange!
Rex  -   Amnesia nga, kase bigla nilang nakalimutan yung mga reklamo nila.


Go to next page for more Rap and Rex Pinoy jokes
More funny Pinoy jokes here:
Buhay Estudyante Jokes
Mga Patawang Pinoy at Pinay
Rap & Rex Pinoy Jokes
Sari-saring Pinoy Dyoks
Balitang Barbero at Patawang Kutsero
Mabuti Nga (Stupid criminal jokes)
KATIG.COM




Sections

Charities
Colleges
Dictionary
Education
Government
History
Philippine News
Phone Directory
Schools
Travel
Universities
Weather




Filipino Corner

Alamat
Balita
Bugtong
Idioms
Kasabihan
Kawikaan
Pabula
Palaisipan
Pinoy Jokes



Email Us