Mga Balitang Barbero


Bulag, eyewitness sa pagpatay. Nahuli ang pinaghihinalaang
salarin sa pagpatay nang siya ay itinuro ng isang witness sa
krimen. Nakilala pa rin ang suspek maski bulag na ang isang mata
ng witness.


Plane crash, walang nakaligtas, ayon sa piloto. Napaulat na
walang nakaligtas sa mga sakay ng bumagsak na Cessna plane
ayon sa piloto ng Medivac helicopter na agad sumugod sa
pinangyarihan ng trahedya.


Bangko hinoldap ng teller. Isang savings bank sa Pampanga ang
hinoldap ng isang babae. Madaling nakilala at nadakip ang
holdaper dahil sa suot na bandana at dalang bolang crystal.
Nalaman na ang suspect ay isang fortune-teller.


Kakulangan ng tubig isinisi sa baha. Maraming tao sa Manila ang
nagkasakit ng diarrea dahil sa pag-inum ng maruming tubig.
Nagkarun ng kakulangan ng malinis na tubig dahil sa mga
pagbaha na naging dahilan para macontaminate ang water supply.


Lalaki bumunggo sa bus, naospital. Naospital si Rex matapos
bungguin ang bus na sasakyan sana. Hinahabol ni Rex ang bus
nang biglang huminto ang sasakyan dahil may tumawid sa kalye.
Hindi napansin ni Rex ang paghinto ng bus dahil nakalingon siya
sa isang babae. Sumalpok si Rex sa bus.


Headless body na-identify sa dental records. Nakilala na ang
isang headless body sa pamamagitan ng kanyang dental records
ilang araw matapos na matagpuan din ang kanyang ulo malapit
lang sa pinagtapunan ng kanyang katawan.


Bata, kinagat ng langgam, patay! Namatay na ang batang
naaksidente matapos kagatin ng langgam. Ayon sa pulisya
tumatawid sa kalye ang bata nang kagatin ng langgam sa paa.
Yumuko ang bata para tirisin ang langgam kaya hindi niya napansin
ang dumarating na taxi na nakabundol sa kanya.


Kahilingan ng garbage collectors ibinasura. Nagpaplanong mag-
aklas ang mga garbage collectors matapos  ibasura ng
kumpanyang pinapasukan ang kanilang kahilingan na taasan ang
kanilang buwanang suweldo.


Rape victim humiling ng re-enactment. Humiling ang isang rape
victim ng re-enactment sa ginawang pagtakas sa lalaking nang-
rape sa kanya. Ginagawa ng babae ang kahilingan matapos
ipagpilitan ng suspek na kusa niyang pinalaya ang biktima. Ayon sa
biktima siya ay nakatakas nang makatulog ang suspek matapos
ang ginawang pangrirape


Kung meron kayong nakakaintrigang balita,
i-email lang po sa amin
at ating ilalathala dito sa ating website.


Go to: Pinoy jokes here


GOVERNMENT.PH